Sunday, May 13, 2012

Sanggolahan Sa Caloocan




Sali na sa pinakamalaking 
saranggolahan sa KaMaynilaan.

Isang Makulay na Kasiyahang Tampok sa Pagdiriwang ng Ika-50 Taong Anibersaryo ng Lungsod Ng Caloocan.

Makiisa sa makulay na kasiyahan na gaganapin sa Colinas Verde, Quirino Highway, North Caloocan sa  ika-26 ng Mayo 2012.
Magdala ng Saranggola, at paliparin sa kalangitan ng Caloocan.

Libo-libong piso ang papremyong handog sa mga pinakamaganda, sa pinakamatayog na saranggolang lilipad sa himpapawid ng Caloocan.  

Ang mananalo ay tatanggap ng Cash  Prize at Winner’s Certificate. Abot Php 50,000.00 ang pinagsasa-samang cash prize na maaring mapapanalunan sa ibat-ibang kategorya.

Sali na! May iba’t-ibang kategoryang maaring salihan sa paligsahan.


Ang FLAT KITE CATEGORY ay para sa mga empleyado at pamilya ng Caloocan City.

Ang BOX KITE CATEGORY atFIGURE CATEGORY ay para naman sa lahat!  Para mga mga residente ng Caloocan, ng mga taga-Metro-Manila, at iba't ibang lugar sa buong Luzon.  


Ang Saranggola isasali ay di dapat liliit sa sukat na 2 feet, at dapat ay may disenyo. Lahat ng saranggolang ilalahok ay dapat orihinal na likha at hindi binili sa an mang tindahang lokal o ibang bansa; ito ay susuriin ng mga kite marshals sa araw ng paligsahan.


Sa FLAT KITE CATEGORY maari ka gumawa ng saranggolang kwadrado, hugis diamante, gurion, at iba pang anyong patag (flat) ang porma.

Ang FLAT KITE CATEGORY ay open lamang sa mga empleyado ng Caloocan at mga anak nila. 



Sa BOX KITE CATEGORYmaaring gumawa ng mga saranggolang may mga eskaparate na korteng kahon, o di kaya’y mukhang lata, o tala, anumang anyo ng geometric design.

Ang BOX KITE CATEGORY ay open sa lahat --- sa mga residente ng Caloocan, ng ibang lungsod sa Metro-Manila, ng buong Luzon.  

Gayun din ang FIGURE KITE CATEGORY, open din sa mga residente ng Caloocan, ng Metro-Manila, ng ibang kababayan sa buong Luzon.



Sa FIGURE KITE CATEGORY iba’t-ibang hugis ng mga bagay, tao, hayop, sasakyan, ibon, o anumang anyo.



Simulan mo nang gawin ang iyong makulay na saranggola!  At magpalista on-site sa May 26 sa Colinas Verde!  



PAALALA:  Mayroon din KITE-MAKING CLINIC na gaganapin sa May 26.  Libre ito sa lahat ng bibisita.  Tara sali kayo!

______________________________________________________________


The Event is organized by LGE Productions Inc., 
the official event management team 
for the 50th Anniversary of Caloocan City.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag kay Dickie Aguado sa Tel. No. (02) 514-5868
.